†† I'M ËVÉRŸ†HING ŸOUºVÉ ËVÉR WÀN†ÉD ††
;">†† ÇOMÆ OU† • ÇOMË OU† WHËRÉ ËVÉR ŸOU ÀRÉ ††
;">†† GHOST AND GHOULS STORIES, PICTURES AND VIDEOS ††



SCARIEST PARANORMAL COLLECTION
OF STORIES, PICTURES, VIDEOS
AND MORE OVER THE WEB !!!

CATEGORIES

creepy (44) PARANORMAL (38) ghost (32) horror (32) apparition (31) scariest (28) lestat (21) GHOST HUNTERS (20) ghost stories (20) ghost video (18) GHOSTHUNTED.BLOGSPOT (17) warning (16) dead (15) demons (15) devil (14) ghost girl (13) gothic (12) scary (12) vampire (11) GHOST FOOTAGE (10) picture (10) Corner Of The Eye (9) Collection of ghost pictures (8) Ghosts (8) stories (8) ghost crossing (6) ghost hunted (6) horror in japan (6) LOST SPIRIT (5) TOP SCARIEST VIDEO (5) ghoul (5) scariest places (5) GHOST PICTURE COLLECTIONS (4) Philippines True Ghost Stories (4) Saw Dark Figure (4) Something Weird At Home (4) rare (4) scarriest (4) Demons Compilation (3) GHOST HUNTING TIPS (3) Ghost Hunting Actual Investigation Video (3) HOLLOWEEN (3) Haunted Vacation Room (3) Having Third Eye (3) brymira (3) halloween (3) hunted university (3) GHOST IN THE TELEVISION (2) Ghost Research (2) Haunted Places In Philippines (2) JOKES (2) Kumakatok (2) Malaysia (2) Manananggal (2) Pugot (2) Spirits (2) Spooky Corridor (2) Supernatural (2) TRICK OR TREAT (2) VIDEO OF GHOST FOOTAGE (2) hunted school (2) movie (2) queen of the damned (2) vampire story (2) video (2) (TAPS) (1) Alien (1) Angel (1) Angel picture (1) Aswang (1) CEMETERY (1) Dad Passed Away (1) Dancing Ghost (1) Death Mask Pictures (1) Flight Fright (1) GHOST COMMERCIALSCREAMER (1) Ghost car (1) Girl ghost car accident (1) Hospital Duties (1) INCUBUS (1) My Grandfather’s Funeral (1) Nuno (1) Oxford Paranormal Society (1) Penanggalan (1) SCARIEST PICTURE COLLECTIONS (1) SLEEP PARALYSIS;THE HORROR OF BEING SLEEPY ; (1) SUCCUBUS (1) Sarimanok (1) Sembawang Airbase Incident (1) Sigbin (1) THE GHOST IN A FRIDGE: (1) THE MYTHS (1) The Nephew (1) Tikbalang (1) Tiyanak (1) alien baby (1) count dracula (1) credo (1) desease (1) documentation (1) english version (1) entertainment (1) ghost shadow (1) headless ghost video (1) hotel626 (1) hunted hospital (1) japanese ghost (1) online game (1) philippines (1) rpg (1) sigaw (1) the echo (1) theatre (1) trailer (1) true chucky doll (1) ufo (1)

24.9.08

~CREEPY STORY~ Kwentong Aswang na Natutulog nang Patiwarik.

Bilang ala-ala ni Lolo Satur na mahilig mag-kwento ng Aswang.
Ewan lang kung totoo ha? Pero sabi ng aking lolo, ang pagiging "Asuwang" ay nakakahawa sa pamamagitan ng pag-kain sa niluto ng isang taong asuwang, pag-inom sa kanyang ininuman o pakikipag-kaibigan sa mga ito.

Malalaman mo raw ang isang tao na may lahing asuwang kapag ikaw ay tumingin sa kanyang mga mata. Kung siya ay iyong tititigan, mapapansin mo raw na ang imahe mo ay nakabaligtad. Ibig sabihin ang iyong ulo ay nasa ibaba at ang iyong paa ay nasa itaas kapag tumingin ka sa mata ng isang asuwang.

Kung sila naman ay nag-lalakad, ang harap ng kanilang mga paa ay naka-baligtad din. Ang mga daliri ng paa ay nakaharap sa likod ngunit sila ay nag-lalakad pa rin na tulad ng normal na pasulong. Kung sila naman ay natutulog, para silang mga paniki na naka-tiwarik, nakasabit ang paa sa mga kahoy na nakalatay sa kisame.

Ang aking tiya ay mayroong kuwento tungkol sa isang matanda na kanilang pinag-hihinalaang isang Asuwang.

Sa lugar ng aking mga ninuno sa probinsya ng Samar, usong uso ang Asuwang at kapag ang isang tao ay hindi gaanong nakikisalamuha sa mga ka-nayon, lalo na kung araw, ito ay pinag-hihinalaang asuwang.

Ngunit ang aking tiya ay isang bata na hindi natatakot o naniniwala sa mga kuwentong asuwang at maligno.

Isang araw siya ay nag-lako ng kakanin sa baryo , napadpad siya sa lugar ng matanda na pinag-hihinalaan nilang asuwang. Dahil hindi siya naniniwala, nag-tungo pa rin ang aking tiya roon.

Nang makarating sa lugar ng matandang ito, siya ay nag-tawag upang alukin ng kanyang paninda. Walang sumasagot kaya siya ay lumapit sa bahay at sumilip. Dahan-dahan siyang lumapit at sumilip sa siwang ng dingding. Wala nga siyang nakitang tao sa loob ng bahay na nakatayo o naka-upo o naka-higa ngunit nang siya ay napatingin sa kisame ng bahay, nakita niya na merong taong natutulog, isang matanda na natutulog ng patiwarik! Nakasabit ang paa sa kahoy na naka-pahalang sa kisame at parang paniki kung siya ay matulog.

Sa takot ng aking tiya na noon ay bata pa, bigla siyang kumaripas ng takbo at nag-sisisigaw. Halos hindi na madala ang mga panindang kakanin para mapalayo man lang sa bahay ng matandang asuwang.

Simula noon kahit hindi niya nakita na kumakain ng laman ng tao ang "asuwang" na yun, naniwala na siya na meron ngang asuwang.

Maaari mo rin daw malaman na isang asuwang ang tao sa pamamagitan ng langis na may dasal o orasyon. Ang langis na ito na galing sa langis ng niyog ay hinahaluan ng ibat-ibang mga dahon o sanga-sanga. Ito ay dinadasalan ng katolikong dasal at nilalagay sa pinto o altar ng bahay.
Tuwing may lalapit o dadaanan na isang Asuwang, ang langis daw na ito ay kukulo. Hindi hihinto sa pag-kulo hanggat ikaw ay nasa malapit sa asuwang o kapag ang asuwang ay dumadaan. Maari mo rin daw ito ipang-laban sa asuwang halimbawang ikaw ay lapitan o saktan, sabuyan mo lang ng konting langis ay mapapaso na at tatakbo ang asuwang palayo.

Hmmmm.....Ano ba sa palagay ninyo?
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
KWENTONG ASWANG:
Noong bata pa ako, marami na akong naririnig ng kwento tungkol sa mga aswang at maligno, ewan ko pero tlgang lumaki ako na may paniniwala sa asawang at maging ako ay nag karoon ng karanasan na makasalamuha at makakita ng aswang, noon nararamdaman ko lang na mayroon aswang sa paligid, lagi silang lumalapit kapag ang bahay ay maroon may sakit o malubhang karamdaman, maririnig mo na lang na prang may kung anung dumadaing sa gilid ng bahay o di kaya may hayop na kakaiba ang huni tulad ng baboy na humihinga sa labas ng bakuran mo, kahit alam mo na walang nag aalaga ng baboy sa mga kapitbahay mo.
Noong bata pa ako, nakakita ako ng mga pulang mata sa taas ng punong mangga sa gilid ng bahay namin, may sakit ako noon at napakataas ng lagnat ko, ng sabihin ko sa nanay ko ang nakita ko agad na nagsaboy ang nanay ko ng asin at minura nya sinabi nya pang kilala kita, at biglang narinig ko ang malakas ng ingay na parang pinunit na maong, at ingay ng dahon ng mangga, sabi ni nanay pag lipas ng ilang sandali, bumaba na ang lagnat ko. kakatwa diba,sabi ng lola, may dalwang uri daw ng aswang . yung lakad at yung lipad, yung lakas sila yung nasa mga silong ng bahay at gilid gilid ng eskinita, at yung lipad naman ay yung nasa mga bubong ng bahay, sabi nila kapag naunahan mo ng tingin ang aswang makikita mo sila ngunit kapag kumurap ka bigla iton mawawala, college yrs ko ng umuwi ako ng late galing sa gimik mga 2am na yun, ang nanay ko pala ay may sakit pero sya pa rin ang nagbukas ng pinto, at sa sofa na lang sa sala ako nahiga sa tapat ng kwarto ng ina ko, nang bigla akong maalimpungatan na may nakatayo sa harap ng kwarto ng nanay ko, nagulat ako hindi ako makakilos, para akong nabangungot, nakita ko ang aswang sa harap ko sumisigaw ako pero wlang lumalabas na tinig sa aking bibig, hanggang pinilit ko ihulog sa sofa ang katawan ko at bigla syang nawala, kilala ko ang aleng nakatayo sa harap ko, ang pula ng mata nya na parang may eyebag na maitim sing itim ng uling, kilala ko sya kse tropa ko ang po nya, at ang damit na suot nya ang madalas nyang suot, patok na aswang sya sa aming magkakamag anak kse pamilya namin ang una sa lugar namin at kilala namin lahat ng mga dumadating na tao, at nakita na rin sya ng tyahin ko, nag anyong aso sya madalas pero ang tsinelas yun pa rin, makapangyarihan ang aleng iyon, batiin ka lang niya sasakit ang tyan mo, minsan nagkagulo ang mga tambay na adiktus sa aming lugar, may aswang daw,. aso" daw pero napalo daw ni dongsy sa likod malaks daw ang pagkakapalo nya, ang aswang kasi kung papatayin mo daw sa likod mo dapat tirahin dun sa lugar na hindi maaabot ng dila nya kse kapag nalwayan nya iyon gagaling daw, iyon daw kse ang healing powers nila, ang matandang iyon ay nagkasakit ng malubha at hindi na nakabangon, so positive diba sya ang aswang...pero sabi nila mamatay lang ang isang aswang kapag may napagpasahan na siya ng kanyang pagiging aswang, .....
Kaya sa ngayun patay na sya...so sino kaya sa mga apo nya ang napagpsahan nya ng pagiging aswang baka yung tropa ko na......
Anu sa palagay nyo?

No comments:

There was an error in this gadget
READ AND WHISPER REPEATEDLY:

" ANKALOHP ENKARA
SUMALESHIWA MARATEWO
KUNDILASEV FROTUNATA
GANTULUM, GANTULUM "


AND SHE'LL BE WITH YOU...

FOREVER!!!


" DRINK FROM ME AND YOU'LL LIVE... FOREVER "
~ LESTAT


IF YOU WILL BECOME A CREATURE OF THE NIGHT, WHAT WOULD YOU LIKE TO BE?

HAVE ANY STORIES TO SHARE? HAVE ANY EXPERIENCE TO TELL? NEED HELP? WRITE IT TO :
Brian_mira@hotmail.com
AND THE LUCKY SCARIEST STORY WILL BE UNTOLD!!!
 
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~